Saints of the Day: San Juan ng Avila
By Sister Gemma dela Cruz
Isinilang siya noong ika-6 ng Enero, 1499 sa Almodovar del Campo ( Ciudad Real ), Toledo , Espanya.
Labag sa kagustuhan ng mga magulang ni San Juan ang papag-aralin siya ng abogasya, nagtungo siya ng Alcala, Espanya at doon ay nag-aral siya ng teolohiya at pilosopiya.
Nang pumanaw ang kanyang mga magulang, siya ay naging pari at ang malaking bahagi ng kanyang mana ay ipinamigay niya sa mga dukha.
Itinuring siyang bantog na manunulat at predikador.
Siya ang spiritual director nina Santa Teresa ng Avila , San Juan ng Krus, San Pedro Alcantara, at San Luis ng Granada .
Nangaral siya laban sa mga nasa mataas na lipunan na hindi nabubuhay nang mabuti, ipinabilanggo siya pero nakalaya rin at doon siya naging bantog sa pangangaral bagamat hindi natuloy ang kanyang hangarin na maging Heswita.
Pumanaw siya noong taong 1569. Itinanghal na beato si San Juan ng Avila ni Papa Leo XIII noong 1894, at idineklarang santo ni Papa Paulo VI noong taong 1970.
Short URL: http://www.filamnation.com/?p=26279














