Login   Not Yet a Member? Register

Agrikultura at ekonomiya

Fr. Anton CT Pascual

by: Fr. Anton CT. Pascual

Sa paglipas ng panahon, tila marami sa atin ang nakakalimot na ang ating bansa ay isang agrikultural na nasyon.

Sapaw na sapaw na ng mga high tech gadgets ang bunga ng ating lupa. Kaunti na lamang ang nakaka-alam ng kalagayan ng ating mga taniman.

Ayon sa isang pag-aaral nuong 2005, ang agriculture, fishery and forestry, ay one-fifth lamang o twenty percent ng ating aggregate domestic output o GDP. Simula pa nuong 1960s, ang direct share ng agrikultura sa ating GDP ay bumagsak sa one-third hanggang maging 23 percent na lamang nuong 1981.
Mabagal din ang paglago ng agrikultura. Ang average nito diumano ay 1.7 percent kada taon nuong 1981-2003, kumpara sa overall GDP growth na 2.6 percent nuong 1981-2003. At habang mabagal ang paglago ng agrikultura, ang mga sektor ng serbisyo o services at industry ay tumaas ang kontribusyon sa ating ekonomiya.

Ayon naman sa Economy Watch, nuong 2008, ang agricultural sector ay nag-contribute ng mga 13.8% na lamang sa ating GDP, habang 31.9% naman ang natanggap natin mula sa industry, at 54.3 percent naman mula sa services sector.
Ang mga datos na ito ay nakakalungkot dahil makikita natin ang “trend” ng kahirapan sa ating bayan. Hindi po kaila sa ating lahat na ang majority ng mahirap sa ating bayan ay nasa kanayunan. At doon, agrikultura ang pangunahing kabuhayan. Kung sa pag-inog ng panahon ay humuhina ang agrikultura, ang ibig sabihin nito, mas dumami ang maralita sa mga lalawigan dahil lumiit ang kanilang kita. Tinatayang 37 percent ng mga trabaho ay nanggaling sa sektor ng agrikultura.

Isang malalim na problema po ito mga kapanalig, at nanganganak pa ito ng mas maraming problema. Kung magpapatuloy ang ganitong “trend” sa ating bayan, ang problema ng kahirapan ay mas lalaki, kasama na ang problema ng kakulangan sa edukasyon, kakulangan sa access at health care at sanitasyon sa mga probinsya. Kung mahina po kasi ang kita, pananalig na lamang ang halos natitira.

Ayon sa Centesimus Anus, ang buhay na Salita ng Diyos ay hindi lamang teorya. Ito ay motibasyon ng aksyon. Ito ay naka-inspire na sa maraming mga kapanalig na mamuhay na umaagapay sa nangangailangan at nasa bangketa ng lipunan.

Sa punto pong ito mga kapanalig, dapat nating pagnilayan kung paano po natin magagawang realidad ang pananalig ng maralitang taga-nayon na may pag-asa pa kahit tila pabagsak ang kanilang industriya. Panawagan po sa estado at lokal na gobyerno, kailangan natin ng ibayong pagtutulungan upang masimulan na ang paglutas sa problemang ito.

Short URL: http://www.filamnation.com/?p=27550

Posted by on Jun 8 2012. Filed under Articles, Radyo Veritas. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

You must be logged in to post a comment Login

Event Calendar

June 2012
Mon Tue Wed Thu Fri Sat Sun
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930 

Categories

Archives

Save money on your Taxes and Insurance!

mltaxandins

Photo Gallery

Copyright ©2011 by FilAmNation