Search:
Advanced Search
Radyo Veritas: Church News Updates By Jemuel Go

Mga negatibong mensahe sa texts di dapat agad paniwalaan
 
Hinikayat ng mga Obispo ang publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga text messages na ang layunin ay manira ng reputasyon ng isang indibidwal.
 
Ito ang pagninilay ni Catholic Bishops Conference of the Philippines President, Tandag Bishop Nereo Odchimar kaugnay na rin sa kumakalat na mensahe sa mga cellular phone na nagsasabing sekretong sinusuportahan ng Pangulong Gloria Arroyo si Senator Manuel Villar na tumatakbo sa May 10 Elections.
 
”So we must not immediately bite. Politics can be a dirty game”, ayon pa kay Bishop Odchimar.
 
Tumanggi naman ang Obispo na magkumento sa isyu na aniya’y isa lamang hearsay.
 
Ayon naman kay Pampanga Auxiliary Bishop Pablo Ambo David, mahirap magbigay ng reaksiyon sa isang text humor.
 
Inihayag naman ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na sakali mang totoo ang mensahe ay dapat i-junk si Senador Villar dahil sa panlinlinlang sa publiko.
 
“This is a sinister plot to ensure PGMA’s perpetuity in power! Very bad and unethical”, base naman sa ipinadalang mensahe ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes.
 
Nabatid din na lumabas sa text messages na oras na mahalal na pangulo ng bansa si Villar ay posibleng maging House Speaker ang pangulong Arroyo kung mananalo naman bilang kongresista ng Pampanga.

Delicious Digg Facebook Fark MySpace
Views: 33 views    Report Inappropriate Content
All Articles
Fil-Am News  (516 articles)
Immigration  (60 articles)
Malacanang Press Office  (270 articles)
News from the Motherland  (12332 articles)
Philippine Consulate  (581 articles)
Radyo Veritas  (791 articles)